Gamot sa Lagnat ng Sanggol: Mga gagawin para bumaba ang lagnat ng baby
Ang paggamot sa lagnat ng sanggol ay dapat na balanse at maingat. Depende din sa edad ng sanggol ang pag gamot ng kaniyang lagnat. Kapag 0-6 months old ang sanggol ay mainam na huwag bigyan ng mga OTC na gamot sa lagnat kasi hindi pa kaya i-tolerate ng kanilang katawan ang mga gamot na ito. Mas maige din na ikonsulta ito sa doktor para sa karampatang lunas.