July 23, 2024

Pwede ba makipagtalik kahit na may regla

Nandito na naman tayo para pag-usapan ang isang katanungan. Ang tanong pwede bang mag sex kahit may regla ang babae? Ang sagot oo naman, wala namang nagsasabi at wala namang nagbabawal na magsex kayo ng partner mo kapag siya ay may regla. Yun nga lang, ito ay magiging makalat at madumi, messy. Kaya ipinapayo na pagkatapos ninyong makipagtalik, kailangan kayo ay maghugas ng inyong katawan, especially ng inyong ari, at hanggat maaari ay umihi kayo para mahugasan ang daluyan ng inyong ihi para kung sa ganun ay maiwasan ang urinary tract infection o ang infection sa pag-ihi.

Gamot sa Matagal na Regla : Mga dahilan bakit kailangan Malunasan ang Pagdurugo

Ang matagal na regla o menorhinya na tumatagal nang mas matagal sa karaniwang panahon at maaaring magdulot ng pag-aalala. Ang mga dahilan ng matagal na regla ay maaaring magmula sa iba’t ibang kondisyon, kabilang ang hormonal imbalance, polycystic ovary syndrome (PCOS), fibroids, endometriosis, o iba pang mga medikal na isyu. Ang nararapat na gamot o therapy ay maaaring iba-iba depende sa dahilan ng matagal na regla.