Hi Aj,
Maraming salamat sa iyong katanungan.
Madami ang mommy na gustong gumamit ng Gluta lipo o anumang gluta based na pampaputi na available sa market at may mga patotoo na nakakapagpaputi nga sila.
Pero kapag ang mommy ay nagpapagatas pa mayroon kasing risk na ang anumang i-take ng mommy ay pwede ding mapunta sa gatas ng ina at posibleng mainom nga ito ni baby during breast feeding. Makabubuti na mag-take nalamang nito kapag wala ng pinapagatas pa si mommy.
Maiging basahin din ang mga instructions sa mga product na tini-take ni mommy dahil ang mismong gluta lipo ay nagsabi na hindi pwede ito sa mga buntis at mga nagpapagatas na mommy.
Pwede mong basahin sa article natin ang detalye.
Sanggol.info