December 26, 2024

Ano ang dapat gawin kapag constipated si Baby

Spread the love

Ano ba yung mga sign at ano ba yung klase ng pupu kapag si baby ay constipated? Pag-uusapan din natin sa article na ito at magbibigay din tayo sa inyo ng tips kung paano niyo naman marerelieve yung constipation o discomfort ni baby.

Lalo na yung mga first-time moms, wala tayong kaalam-alam at natatakot tayo at madalas kinakabahan kapag may nangyayaring masama o may nararamdaman si baby natin. Kasi nga, hindi pa sila nakakapagsalita, iyak lang sila ng iyak, yun lang talaga ang way of communication nila satin.

Natural sa isang tao, even sa isang sanggol, na dumumi araw-araw. Tayo bilang magulang, bilang first-time moms, isa ito sa mga inaasahan natin araw-araw na dumumi o magpoop yung anak natin everyday para syempre mapanatag tayo na normal yung nangyayari sa kanya.

Pero paano naman kung hirap dumumi si baby?

Paano mo siya matutulungan sa kanyang discomfort o kailan mo masasabi na kailangan mo na siyang ipacheck up?

Siguro naman napapansin niyo si baby na kapag siya ay dumudumi, nag-iiba yung aura, yung parang nagkakaroon siya ng facial grimace dahil nga umiire siya. Ito ay isang good sign na inaaral na ni baby yung kanyang muscle sa pagdumi, yung ginagamit niya na yung muscle niya para dumumi. Ngayon, syempre, mapapansin mo naman yan, sa facial expressions din niya kung siya ay nahihirapang dumumi dahil nga matigas yung tae niya, kaya possible na mayroon siyang constipation.

So paano niyo naman yan malalaman kung constipated ang baby?

Bago yun, para mas maintindihan niyo, idedescribe o iexplain ko muna yung bawat uri ng pupu depende sa iyong baby, kung siya ba ay breastfeeding, kung siya ba ay newborn, o siya ba ay formula milk.

I-explain natin dito kung ano yung itsura at saka ano yung nakakaapekto sa characteristic ng pupu ni baby para maintindihan niyo yung normal pupu sa hindi.

First is magsimula muna tayo sa newborn poop or ito yung tinatawag na meconium. Ito yung unang pupu ni baby na nilalabas niya 24 hours after birth. Usually ang kulay nito is black, at kung napapansin niyo yan sa mga baby niyo na parang may katas-katas na green, ito yung meconium. Ito yung dapat mailabas talaga ni baby o matae niya talaga kasi ito yung mga nakain niya sa loob ng sinapupunan habang siya ay pinagbubuntis. Ang possible na laman nito ay skin cells, pwede ring sipon, and mostly amniotic fluid.

Mga one week niya ilalabas yung tae na yan, after niyan mag-iistart ng maging soft at mag-iba yung kulay ng pupu ni baby. In the hospital, isa ito sa hinihintay talaga ng pedia lumabas 24 hours afterbirth para payagan na si baby na madischarge. Ngayon, kung sakaling kapag kayo ay nasa hospital pa at hindi tumae si baby sa loob ng 24 hours, kailangan malaman ito ng pedia.

Ang next naman is ano ba yung consistency ng pupu ng isang breastfeeding baby?

Ang exclusively breastfeeding baby, ang consistency niya is para siyang cream cheese na may halong curd or para mabuto-buto na kulay mustard. Bigyan ko kayo ng example: yung mga pupu ng breastfeeding baby, hindi yan masyadong mabaho, may amoy siya pero kaya mo. Alam niyo ba, ang mga exclusively breastfeeding baby, ay dumudumi sila ng four to twelve times.

Kaya sa mga mommy na nagwoworry kung bakit tae ng tae si baby, don’t worry, walang diarrhea si baby, baka exclusively breastfeeding ka lang. Ganito pa maaaring dumumi si baby, right after niyang dumede o even kahit na dumedede pa siya. Ganun ka highly digestible ang breast milk.

Ngayon, kung sakali naman na ang exclusively breastfeeding baby ay hindi dumudumi ng tatlo or higit pa sa isang araw, maaari na hindi sapat yung gatas na nasisipsip niya sayo. Kaya nga ang isa rin sa mga cause ng constipation sa mga sanggol ay dehydration, hindi sapat yung gatas na nadedede nila.

Pero ito, take note mo rin kung tumataas naman yung timbang ni baby mo buwan-buwan, kung bumibigat naman siya o nag-increase yung weight niya, you don’t have to worry anything because everything is normal. At don’t worry, mga mommy, maglalayo din si baby niyo sa bawat change niya ng diaper kasi kapag umabot na siya ng six weeks, nababawasan na yung pagpoop nila, pwedeng pumupo na lang sila one to two per day or even once in two days. At wag po kayong mag-worry kasi normal pa rin yun.

Paano naman ang tae ng baby kapag Formula feeding siya

Sa punto naman tayo sa formula feed baby, ang kulay na ng pupu nila is brownish yellow, yung texture naman niya or yung lapot is parang peanut butter, mas buo ang pupu nila compared sa breastfeeding at mas mabaho. Kung mapapansin mo na mas madalas din yung pagpupu nila at mas regular, alam mo kung kailan siya dudumi o ilang beses dumudumi sa isang araw. Pero ang kaibahan nito sa breast milk is mataas yung chance niya for constipation.

Paano naman ang pupu ng baby kapag nakain na siya ng solid food (6 months old and above)

Ngayon, punta naman tayo sa mga babies na kumakain na or nag-iistart ng kumain ng solid food. Usually nag-iistart silang kumain ng solid food as early as four months at ang pinaka-preferred talaga ng mga pedia is six months. Minsan ang kulay ng pupu ng mga baby na to, sumusunod kung ano yung kinakain nila. For example, kumain sila ng carrots or kalabasa, possible na magkulay orange yung dumi nila. Maaari din makapansin ka ng mga pagkain na hindi natunaw, kumbaga kinain nila pero hindi sila natunawan.

Makikita mo pa rin yung actual na kinain nila, like for example mais, sometimes grapes, o kaya yung mga pulp ng orange. Hindi pa nila yan kayang tunawin kaya nakikita mo pa rin yan sa mga pupu nila. Lahat ng yon ay normal, wala kayong dapat ikabahala.

Itong mga babies na kumakain na ng solid food, sila din yung mga candidate para maconstipated kasi yung mga babies na yan wala pa yang mga ngipin. Hindi pa nila nangunguya ng maayos o nadudurog yung mga kinakain nila. Parang yung iba nga, subo lang tas lunok na. Kaya ang nangyayari, nahihirapan pa yung bituka nila na idigest properly yung mga kinakain nilang food kaya minsan paglabas buo pa rin.

Unlike sa milk, ang solid food ay mahirap idigest para sa kanila kaya importante na magsimula kayo muna sa mga gulay, prutas at sa mga food na mataas yung fiber content, like avocado or papaya. Kailangan niyo syempre, since nag-iistart pa lang sila kumain, you need to prepare puree food para sa mga baby niyo. So since na-explain ko na, na-describe ko sa inyo yung iba’t ibang klase ng pupu ng bawat baby, mas maintindihan niyo na yung explanation ko ngayon about sa senyales na hirap na ngang dumumi si baby.

Normal ba na ang sanggol ay di mag dumi araw araw?

Normal sa isang sanggol na hindi talaga sila dumudumi araw-araw, lalo na sa mga breastfeeding baby. Kaya hindi mo masasabi na may constipation ang mga baby kapag hindi sila dumudumi everyday. Malalaman mo na hirap dumumi si baby or meron siyang constipation depende sa itsura nito. Kung matigas nga talaga yung pupu, maaaring may constipation nga si baby.

At alam niyo, kapag may constipation sila, kailangan niyong bantayan dahil nasasaktan sila everytime na dumudumi sila.

Ang nagiging problema kasi sa constipation ay yung pupu nila ay matigas at masakit yan ilabas para sa mga sanggol kaya traumatizing talaga yan para sa mga baby. Kaya ang tendency, natatakot silang ilabas kaya ang nangyayari hinuhold on na lang nila, hindi nila nilalabas. Ayaw na nilang magpupu kasi nga masakit.

So ano ba yung mga sintomas na hirap nga talagang dumumi si baby or constipated si baby mo?

First is yun nga nararamdaman, nakikita mo talaga na nahihirapan siya or nasasaktan siya dumumi. Parang yung ilong niya namumula, yung surrounding ng mata niya namumula, or even the loob ng eyes namumula dahil sa kakairi. Yung pupu niya is possible na maliit pero matigas, bilog-bilog. Pwede rin namang malaki pero matigas pa rin.

Ang color ng pupu ng constipated ay maitim or dark color. Possible na parang may tubig pero still buo pa rin siya. Ang worst, kapag may dugo na yung pupu ni baby, hirap na hirap na talaga siya nun. Ayan, mapapansin mo yung tummy niya matigas na parang full na full, bilog na bilog. Yan yung mga symptoms na titingnan mo kay baby.

So paano mo naman marerelieve yung constipation ni baby or yung discomfort ni baby sa pagdumi?

First is proper diet talaga ito. Hindi lang to kay baby, para rin to sa mga constipated na individual adult. Dapat si baby ay nakakakain talaga at nakakadede talaga ng maayos sa tamang oras at sa tamang amount. Kung sakaling si baby naman ay nagsosolid food na, pakainin mo lang ng more fruits and vegetables lalo na yung mga pagkain na mataas yung fiber content. Next, kailangan mong umiwas o iiwas si baby na kumain ng mga pagkain na mahirap silang idigest like mais.

Ito, very helpful talaga to kailangan more water talaga. Painumin ng painumin o padedehin ng padedehin lalo na kapag si baby ay pawisin o mainit ang panahon. May tendency talaga silang madehydrate o lumabas yung tubig sa pawis nila kaya kailangan mo silang ihydrate para hindi sila maconstipated. Tulad nga ng sabi ko kanina, the cause of constipation is dehydration. Ugaliin mo rin na kapag si baby ay kumakain na ng food ng iron, ng solid food, painumin mo siya after niyang kumain para makatulong yun sa digestion.

Para naman sa mga breastfeeding mom, syempre kailangan mong kumain ng nutritious food like fruits, vegetables tsaka mga food na rich in fiber, yun mga ganun. Kailangan mo din syempreng magkaroon ng balanced diet, proper diet para sa baby mo kasi ikaw yung nagsusupply ng nutrients kay baby para syempre maaabsorb niya din. Pangalawa is kailangan iexercise mo si baby para maistimulate mo yung bowel niya to move o para gumalaw. Kung si baby mo ay nag-iistart ng gumapang, hayaan mo siyang maggapang-gapang diyan. Hayaan mo siyang maglaro-laro para nakakakilos siya, hindi lang siya laging nakahiga.

Kasi ang baby na laging nakahiga, nahihirapan yung tiyan nila na magdigest kasi nasa isang posisyon lang sila. Kapag nakatihaya, mahirap talaga gumalaw yung bowel nila. Kung sakali naman si baby ay hindi pa nagwawalk, hindi pa siya gumagapang, pwede mong gawin kay baby yung leg exercise. Yung parang iaangat mo yung legs niya and iba-bicycle mo, parang nagbabike. In that way, natutulungan mo yung bowel niya to move to help syempre sa digestion ni baby.

Kailangan mo tulungan si baby na marelax yung tummy niya. Kailangan mong imassage yung tummy niya para marelax yung muscles niya sa abdomen. Gawin mo lang daw to ng gawin hanggang magnormalize yung bowel movement niya, hanggang hindi na siya maconstipated at hindi na siya mahirapan dumumi.

Lagi mong paliguan si baby ng warm bath kasi ang warm bath narerelax nito yung abdominal muscle ni baby.

Kung constipated at nahihirapan pa rin dumumi si baby, you should notify your doctor. Kasi pwedeng magbigay o magreseta yung mga doktor ng suppository or rectal suppository. Consult your doctor agad kung sakaling si baby mo ay newborn, six weeks old pababa ay hindi dumudumi. Kung ang sanggol naman ay hindi dumudumi or constipated for five to seven days, kailangan mong ipacheck up si baby. Kapag nakita mo yung pupu ni baby na merong dugo, yan kailangan mo na ding iconsult yung doktor mo.

Iba pang mga babasahin

Ano dapat gawin para Makatae agad si Baby 2 months old

Ano gamot sa Kabag ng Buntis? Sintomas at dapat gawin

Lunas sa pananakit ng balakang ng buntis

Pwede ba ang gluta lipo sa breastfeeding Mom?

2 thoughts on “Ano ang dapat gawin kapag constipated si Baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *