January 28, 2025

Mabisang gamot sa kati kati ng bata o eczema

Sanggol.info

Karaniwan kasi tong eczema, especially on the babies. It’s on the face. Pwedeng mababawasan ang cuteness ng kanilang mga babies dahil nga baka nga sa sobrang pula, sobrang scaly, minsan nagsusugat pag kinukuskos, minsan may dugo na. Concern ni mommy baka magkaroon ng scars sa face. Kaya nga bago pa man umabot dun ang inyong mga babies pag-aralan natin ito.

Ang eczema kasi, ang karaniwang sintomas niyan ay pangangati. Sa una, namumula lang pero ang problema mo habang kinakamot mo, lalong kumakati. So once, ang bata naman, hindi naman talaga, ano yan, annoyingly, minsan kahit natutulog sila, irritated and they keep on scratching. Minsan talaga, medyo nagbabalat-balat na and may dugo na. And kaka scratch, naiinpeksyon siya. And since it’s a chronic na pabalik-balik na sakit, pwede magkaroon ng bacterial infection. Minsan nga, sa medyo older kids, may fungal infection na doon sa mismong irritation.

So what can we do? We go to the source of eczema.

Ano ba ang dahilan ng eczema?

Unfortunately, eczema is a type of skin allergy. So it’s an allergy, mommies, namamana natin sa ating mga nanay, tatay, kamag-anak, and so forth. So it is in our genes, kaya lang imamanifest mo yun kung merong tinatawag na trigger. Ito yung mga allergens mo.

Sa mga babies, lumalabas ang allergy minsan sobrang aga, as early as six weeks. Yes mommy, as early as that. Merong mga bata na mga breastfeeding moms, later twelve weeks, or much later pa. Pero regardless kung kailan siya lalabas, lumalabas ang allergies kung may trigger. Ano yun?

Number one, karaniwan, food allergies. Kung nagbebreastfeed ang mom, what the mom eats ibig sabihin, ano kinain ng mom, yung kinain niya napupunta sa breast milk, nadedede ng baby.

Number two, yung mga environmental allergens. Pwedeng alikabok, pwedeng mga ipinahid natin sa baby, minsan jewelries na nakalagay sa baby, pwedeng magcause ng allergy, or rubber na nadikit sa kamay. Ito yung mga tinatawag na contact allergens. So lahat yun pwedeng magcause.

Number three, if the patient’s skin is really dry, pwede rin itong magdagdag pa sa irritation na nararamdaman niya. So the more na dry ang skin, the more na magkakamot siya. So may allergy na, dry ang skin, kinamot ng kinamot. Habang kinakamot siya, naiirritate yung skin, habang naiirritate, pwede ring mainfect yung skin.

So we go back.

Ano ang prevention para sa eczema?

Kailangan iprevent natin siya bago maging full blown. Importante iwasan ang allergen.

You have to check, kailan ba lumalabas yung allergic reaction? Balikan mo, meron ba kong bagong pinakain kay baby? Or kung nagbrebreastfeed ka, meron ba kong bagong kinain? Meron ba kong bagong ipinahid sa kanyang katawan? Meron ba akong bagong inilabas sa kanyang mga damit na pwedeng nagkaroon ng contact sa skin niya? So lahat yun, by elimination tanggalin mo, especially kung ginamit mo yun or kinain niya yun, nag-exacerbate yung kanyang allergies.

Number two, prevent mo yung dryness ng skin. Importante sa ganitong mga allergies na yung skin niya wag mag-dry. Kasi the more dry yung skin, the more mangangati. Isa importante is yung pagpapaligo sa bata. The baby should be taking a bath for at least ten to fifteen minutes lang, sobrang fragrance na. So kahit naman gusto mo mabangong-mabango si baby, kailangan mong iwasan to, especially if your baby.

Use hypoallergenic non-scented soap. Hindi lang natatapos yun. After mo magpaligo ng sandali lang, using hypoallergenic soap, kailangan mong gumamit ng mga emollients. Maraming mga hypoallergenic lotions ang available ngayon sa market para pwede mong gamitin. Kung alam mong atopic ang iyong baby, maaari ding gumamit ng mga. Kung talagang meron na siyang mga sugat, usually yung mga mild steroid creams, binibigay na po ng doctors yan, usually once or twice a day.

Importante din ang gumamit ng mga antihistamines. Bakit? Kasi nga yung pagkamot ng pagkamot ng baby, una nakakaistorbo sa tulog niya. Pangalawa, the more na naiinfect yung kanyang irritated skin sa kakakamot. So you have to break the cycle of scratching. That’s why we usually give antihistamines, yung gamot para sa kati. Karaniwan yun, on drops form or syrup form.

Number three, kung talagang ang kanyang sakit sa balat eh lumalala na, hindi na nakukuha sa pag-iwas sa mga allergens niya, hindi na nakukuha sa pag-iwas ng skin dryness, importante ng magcheck-up sa doktor. Kasi kung may impeksyon na yun, kailangan na kayong bigyan ng antibiotics or sometimes kung hindi na kaya ng mga typical steroids, oral steroids na po ang treatment for the severe cases.

Mga Halimbawa ng gamot sa eczema ng bata

Topical Corticosteroids

  • Hydrocortisone Cream/Ointment – Mild corticosteroid na madalas inirerekomenda para sa mga bata.
  • Triamcinolone Acetonide Cream – Mas malakas na corticosteroid para sa mas malalang kaso.

Topical Calcineurin Inhibitors

  • Tacrolimus (Protopic) – Ginagamit para sa mas sensitibong bahagi ng balat tulad ng mukha at leeg.
  • Pimecrolimus (Elidel) – Alternative sa corticosteroids para sa mild to moderate eczema.

Emollients and Moisturizers

  • Cetaphil Moisturizing Cream – Hypoallergenic at non-comedogenic na moisturizer.
  • Eucerin Eczema Relief– May colloidal oatmeal na nakakatulong sa pangangati.
  • Aquaphor Healing Ointment – Para mapanatili ang moisture ng balat at maiwasan ang dryness.

Antihistamines

  • Diphenhydramine (Benadryl): Oral antihistamine na nakakatulong sa pangangati, pero maaari ring magdulot ng antok.
  • Cetirizine (Zyrtec): Non-drowsy antihistamine para sa pangangati.

Iba pang mga babasahin

Mga bawal na pagkain sa nagtatae na bata

Sanhi ng impeksyon sa dugo ng bata

Ano ang dapat gawin kapag constipated si Baby

Bakuna na COVID 19 VACCINE sa pregnancy and breastfeeding Mom

One thought on “Mabisang gamot sa kati kati ng bata o eczema

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *