July 16, 2024

Gamot sa singaw ng bata na Ibat ibang klase

Spread the love

Bakit daw nagkaka oral thrush o singaw ang baby? Ano kayang singaw ang ang meron siya? Kasi may mga singaw na may puti-puti sa loob ng dila at tsaka dun sa ngala-ngala. Meron ding singaw na meron siyang mga parang fissure o parang hiwa-hiwa sa gilid ng labi o kaya dito sa labi. At meron ding singaw na pag nakita niyo, parang may ulcer sa dila at sa ngala-ngala.

So i-clarify lang natin, kasi yung tatlong klase ng singaw na ‘yun, iba-iba ang dahilan. Although yung mga bata na mahina ang resistensya at hindi masyadong nalilinis ang bibig, yun ang karaniwang nagkakaroon ng singaw.

Mga klase ng singaw sa Bata at gagawin na gamot

Unahin natin yung singaw na pag nakita mo yung dila ng bata, eh may puti-puti na parang gatas, pero madi-differentiate mo siya na hindi siya gatas, kasi pag pinunasan mo siya, pinunasan mo ng malambot na tela, makikita mo parang may pamumula dun sa ngala-ngala ng bata. So ito ‘yung mga tinatawag na oral candidiasis. Ang gamot dito, syempre dahil kandida siya o fungus o amag, importante nalilinis ang bibig at binibigyan namin ng anti-fungal cream o kaya anti-fungal drops. Ito ‘yung mas kilala sa pangalang nystatin drops.

Pumunta sa iyong pediatrician para mabigyan ng reseta. Number two, yung mga singaw na may biyak-biyak sa gilid ng bibig o kaya dito sa baba o dito sa side. So usually ito ‘yung mga singaw na tinatawag naming angular cheilitis. So ano ito? Ito ay deficiency sa B complex vitamins, lalo na kung ang bata malakas kumain ng mga matatamis na pagkain at hindi kumakain ng mga prutas at gulay, kulang sila sa B complex vitamins. Pwedeng magbigay ng supplement ng B complex twice a day.

At ang pangatlo, yung may mga singaw sa gilagid, sa dila, at sa ngala-ngala, ito ‘yung nakikita nating sintomas ng gingivostomatitis, at dahil ito ay dahil sa herpes virus, ang gamutan nito ay anti-viral medication. So karaniwan binibigyan namin sila ng acyclovir. Pumunta sa inyong pediatrician para mabigyan ng reseta, kasi hindi kayo makakakuha ng mga gamot na ‘to at makakabili sa botika kung wala po kayong reseta.

Iba pang mga babasahin

Solusyon sa inverted nipple ng nagpapadede

Mabisang gamot sa pagtatae ng bata – Home remedy at First aid

Mabisang gamot sa pagtatae ng bata – Home remedy at First aid

Mga bawal na pagkain sa nagtatae na bata

One thought on “Gamot sa singaw ng bata na Ibat ibang klase

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *