December 23, 2024

Tamang pag-inom ng Antibiotic sa Sanggol – Mga signs na kailangan na ito ni Baby

Spread the love

Paano nga ba malalaman kung kailangan na ng antibiotics ni baby para sa kanyang sakit?

Hindi rin kasi maganda na bigyan lagi ng antibiotics ang bata kasi baka magiging resistant ang kanyang mga sakit dahil sa labis na paggamit nito.

Mahalagang tandaan na ang antibiotics ay dapat lamang gamitin kung mayroong sapat na dahilan at sa ilalim ng gabay ng isang propesyonal sa kalusugan tulad ng isang pedyatrisyan.

Kailan ginagamit ang Antibiotics sa Sanggol o Baby?

1. Bacterial Infection

-Ginagamit lamang ang Antibiotics sa sanggol kapag ang sakit nya ay dahil sa Bacterial infection. Hindi pupwede sa kanya ito kapag na determine na viral infection ang sanhi kaya nga kailangan ng tsek up sa doktor muna para malaman ang dahilan ng kanyang ubo, bronchitis, bronchiolitis, impeksyon sa tainga, pulmonya, o urinary tract infection (UTI).

2. Neonatal Sepsis

-Isa sa common na nakukuha na sakit ng sanggol ang neonatal sepsis o impeksyon sa dugo. Maging alerto sa mga aksyon kapag nalaman na merong sepsis si baby kasi nakamamatay ang sakit na ito. Ang tanging paraan para magamot ito ay sa pamamagitan ng antibiotics

3. Meningitis

-Ang bacterial meningitis ay isang malubhang impeksyon ng utak at spinal cord at isa sa gamot na ginagamit ay ang antibiotics.

Tamang pag inom ng Antibiotics sa bata o sa mga sanggol

1. Pag papa tsek up sa Pediatrician

-Ang doktor sa bata o sanggol ang makakapagsabi kung kailangan nga ba ng antibiotic ng sanggol o ng bata. Hindi tayo gumagamit ng antibiotics ng walang paalam sa doktor kasi pwedeng makasama pa ito sa kanila

2. Tamang Dosage ng Antibiotic

-Pagkatapos ng tsek up at kailangan nga talaga ng antibiotics ang doktor ay magbibigay ng tamang method ng paginom kasama na ang dosage at frequency ng pag gamit. Maaaring ito ay batay sa bigat at edad ng bata. Huwag dagdagan o bawasan ang dosis nang walang pahintulot ng doktor.

3. Paggamit ng gamot batay sa tagubilin ng doktor

-Kapag napansin na gumagaling na ang sanggol o bata sa antibiotics pero hindi pa tapos ang takdang panahon ng pag take ng antibiotics, sundin padin ang tagubilin ng doktor. Kahit na bumuti ang pakiramdam ng sanggol, mahalaga na ituloy ang pag-inom ng gamot hanggang matapos ang reseta upang maiwasan ang pagbalik ng impeksyon at ang pagbuo ng antibiotic resistance ng bacteria.

4. Observation ng side effects ng Antibiotics

-Bantayan ang sanggol para sa anumang side effects o reaksyon sa antibiotics. Kung may napansin kang anumang hindi karaniwang sintomas, tulad ng rashes, hirap sa paghinga, o pagtatae, agad na kumonsulta sa doktor.

Paano malalaman kung Bacterial Infection ang sanhi ng Ubo ni Baby?

Madalas na katanungan ito ng mga mommy sa mga Doktor ng pediatrics kasi nga naman pina common na sakit ito ng mga sanggol. Hindi naman lahat ng ubo ay considered na meron na kaagad pneumonia, bronchitis o iba pang upper respiratory tract infection.

Ang upper respiratory tract infection kagaya ng ubo ay possibe na me dalawang causes. Pwede itong viral o bacterial infection. Kapag viral infection ang dahilan, supportive treatment lang kasi walang gamot sa viral, at kapag bacterial infection kailangan na ng antibiotics talaga.

1. Edad ni baby

-Minsan nalalaman ng doktor ang possible na cause ng labis na pag ubo ng bata base sa edad. Ang kadalasang sanhi ng sakit sa 0-6 months old na baby ay dahil sa bacterial infection.

-Kapag ang bata ay 1- 2 years old na, kapag madalas o malubha ang ubo ng bata ay kadalasang sanhi ay viral infection naman. Madalas na sa ganitong edad ay may bronchiolitis na nakukuha. Ang mga virus na sanhi ng malakas na pag ubo ay ang Respiratory Syncytial Virus (RSV), Influenza (Trangkaso), Parainfluenza Virus, coronavirus, Adenovirus o di naman kaya ang Human Metapneumovirus (hMPV).

-Kapag 2 years old above, madalas naman ay bacterial infection

2. Kapag matagal na ang ubo

-Kapag matagal na ang ubo ng bata kahit na nag gagamot tayo at umabot ng more than 7 days ang pag ubo ng bata mas maigi na ipa-tsek up na siya kasi malamang bacterial infection na ito. Tandaan na ang normal na ubo ng bata ay hindi dapat lumampas ng mahigit sa isang linggo.

-Ang bata ay hindi gumagaling sa normal na gamot na lamang kasi kailangan na dito ng antibiotics.

3. Temperatura o taas ng lagnat

-Kapag ang lagnat ng bata ay mataas o matagal na mawala, possible na meron siyang bacterial infection. Sukatan ang temperature ng bata gamit ang thermometer para malaman ang eksaktong value ng temperature. Kapag bacterial infection ang temperature ay umaabot ng 38.5 and above. Ang viral infection na lagnat ay nasa 38 degress pababa lamang ito.

4. Blood test

-Maaring irekomenda ng doktor ang blood test para ma-confirm talaga na bacterial infection ang dahilan ng malalang ubo ng bata. Karaniwang isinasagawa ang CBC test o complete blood count analysis para madetect ang presence ng bacteria sa dugo ng bata. Ang CBC test sa bata ay pwedeng umabot ng Php 500 – Php 1,000 pesos lamang, pwede mong basahin ang ginawa natin na detalyeng gamit ng CBC at magkano ito.

-Titignan sa blood test ang condition ng platelet counts at ng white blood cells (mataas o mababa ang bilang) ng bata. Possible na pag mataas ang platelet count may infection o kapag mababa ang platelet count mayroong dengue naman ang bata. Ang doktor ang kailangan na mag interpret nito.

5. X-ray test

-Narito ang halimbawa ng bacterial infected X-ray result sa baga ng bata. Malalaman ito ng doktor o radiologist sa result ng image ng X-ray na gagawin sa bata.

6. Kaalaman kung saan nahawa ang bata

-Kung merong history sa pamilya ng bata na nagkaroon na ng bacterial infection dati ay possible na ito ang sanhi. Pwede kasing maipasa ang bacteria sa pamamagitan ng pag ubo, pag share ng mga gamit gaya ng tuwalya, plato, baso o mga kubyertos.

Conclusion

Hindi naman lahat ng sanhi ng malalang pag ubo ng bata ay dahil sa bacterial infection. Pero ang mga clues o possible reasons na nabanggit natin sa article na ito ay pwedeng magsilbing gabay para magkaroon ng idea kung bakit hindi nawawala ang pag-ubo ng bata. Gaya ng sabi natin sa article kapag ang ubo ng bata ay lampas na sa isang linggo at hindi kaya ng mga home remedy, cough syrups mas maganda magpa-tsek up na sa doktor agad.

Possible na makahawa din ang bata kaya maganda na mapadala na sa mga eksperto.

Iba pang mga Babasahin

Gamot sa Lagnat ng Sanggol: Mga gagawin para bumaba ang lagnat ng baby

Paano mawala ang Sipon ng Newborn Baby : Ano ang pinakamainam Gawin?

Pwede na ba pakainin ang 4 months old Baby?

Magkano ang CBC test sa Pilipinas?

2 thoughts on “Tamang pag-inom ng Antibiotic sa Sanggol – Mga signs na kailangan na ito ni Baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *