Sa article na ito pag usapan naman natin yung mga possible na physical symptoms na maramdaman ng isang babae na buntis sa unang lingo. So ito yung time na feeling mo buntis ka dahil may kakaiba kang nararamdaman sa katawan mo. Ito yung mga sintomas na sure na buntis ka without using any pregnancy test.
So paano mo ba malalaman kung buntis ka or yung mga sintomas na pwede mong maramdaman sa unang linggo pa lang ng pagbubuntis mo?
Bukod sa paggamit ng mga pregnancy test or ultrasound alam mo na talaga na buntis ka so paano mo malalaman yun?
Merong ilang mga different symptoms na nararamdaman ng isang buntis sa unang linggo ng kanyang pagbubuntis. Pero alam niyo for woman, iba iba yung mga symptoms na pwede nilang maramdaman kapag silay buntis.
Mga Signs na Titignan kung Buntis ka nga
May mga sintomas din na mararamdaman mo lang so early pregnancy and mawawala din kapag ikaw ay pumalo na ng fourth and fifth of pregnancy.
Minsan naman hindi mo rin talaga madidiperentiate yung mga symptoms ng pregnancy kasi possible na iba yung maramdaman mong sintomas sa first pregnancy mo at iba rin yung maramdaman mong sintomas on your second pregnancy naman so iba iba kasi talaga but first explain ko muna sa inyo kung kailan ba talaga nagsisimula ang pagbubuntis.
So doon sa first week of pregnancy nag iistart yan simula doon sa unang araw ng huling regla mo or yung tinatawag na lmp. So sa lmp mo ibabase yung first week of pregnancy mo at hindi sa araw kung kailan ka nakipag sex kaya nga ito yung most common question ng mga doctor kapag ikaw ay nagpacheck up kailan yung unang araw ng huling regla mo and doon sa first week pa lang ng iyong pregnancy nagsisitaasan or nagsisilabasan na yang mga hormone na yan mga hormone ng pregnancy.
Para syempre ma ready yung katawan mo sa iyong pagbubuntis kung ano ba yung importansya na malaman mo agad na buntis ka.
Alam niyo kasi mahalaga talaga na malaman mo na buntis ka agad agad para syempre maprotektahan mo din yung sarili mo, maiwasan mo yung dapat iwasan na makakaapekto sa developing baby. Maalagaan mo agad yung sarili mo o kaya makapagpacheck up ka ng mas maaga and para na rin sayo malaman mo kung yung nararamdaman mo ba ay normal pa ba or abnormal na.
Ano ang mga sintomas na buntis ka sa unang linggo pa lamang ng pagbubuntis?
Number one and the most popular syempre if hindi ka na niregla. Hindi ka na dinatnan sa month na ineexpect mo na rereglahin ka ang term nila dito is delayed ka. Minsan automatic na talaga no na kapag delayed yung period mo meron talaga tayong thinking na nakabuntis ako.
Number two kapag nagkaroon ka na ng spotting or nagkaroon ka ng blood spot sa panty mo. Actually minsan ito namimiss interpret siya na regla na iniisip nila pag may lumabas na dugo is regla pa yun. Kaya inexpect nila na hindi pa sila buntis.
Bakit ka ba nakakita ng blood spot sa panty mo?
It happens dahil sa implantation. Nag implant na yung embryo or yung fertilize egg mismo doon sa matris mo. Dumikit na siya or namahay na siya doon sa matris mo kaya magkakaroon ng blood spotting dahil syempre ay meron at merong dugo na lalabas doon sa process ng implantation. Pero ang spotting po kasi ay nangyayari lang sa isang araw.
Sa loob ng isang araw once mo lang siya makikita sa panty mo and ang color niya mostly is color pink.
Third is kapag nagkaroon ka na ng abdominal cramp or humihilab yung matris mo. Kasi tayong mga babae buwan buwan nagkakaroon din tayo ng abdominal cramps bago tayo magkaregla kaya minsan namimiss interpret siya na baka rereglahin ka lang.
Kaya ka nagkakaroon ng menstrual cramps or disminorrhea. So bakit ba nagkakaroon ng abnominal cramps kapag ikaw ay buntis?
Nangyayari kasi ang abdominal cramps kapag kumabit na si fetus doon sa uterus mo or doon sa matris or parang implantation din siya. So kapag nagkaroon ng implantation magkakaroon ka ng implantation bleeding or spotting and abdominal cramps.
Tandaan niyo lang mga mommy ang cramps ng pagbubuntis ay nararamdaman mo ito sa puson at lower back. So ibang iba talaga siya sa menstrual cramps na sa puson mo lang mararamdaman. Ang cramps ng pagbubuntis ay tumatagal ng ilang lingo or ilang buwan compared naman sa menstrual cramps na ilang araw lang yung tinatagal.
Nawawala din ito kapag ikaw ay nagkaroon na ng menstruation so check niyo na lang yung difference ng dalawa para hindi kayo nalilito kung baka regla lang ba to or baka naman buntis na ako.
Number four mapapansin mo rin na magkakaroon ka ng changes on your breast. Pwedeng namamaga ito, tumitigas or lumalaki. Nangyayari yung mga symptoms na to after fertilization specifically four to six weeks of pregnancy. Kasi syempre nga nagsisitaasan na, nagsisilabasan na naman yung mga hormones ng pregnancy kaya nireready na yung body mo para sa pagbubuntis at para sa pagiging ina.
Ang advice lang sa inyo base sa aking experience kasi masakit talaga ito. Matigas talaga yung dede mo nun. Wear comfortable bra and kung kaya naman wag ka na lang magbra kasi mas komportable. Masakit kasi talaga siya lalo na kapag masikip yung bra na sinusuot mo and lumalaki din kasi yung bras mo eh pag buntis ka. Kaya kailangan mong mag adjust ng size.
Next kapag ikaw ay buntis possible na lagi kang hapo. Lagi kang napapagod mabilis kang mapagod, isa yan sa mga sintomas na ikaw ay buntis. Nangyayari to dahil sa mga changes ng hormones or body changes na nangyayari sa iyong katawan.
Kasi kapag ikaw ay buntis sa unang lingo mataas na and maglalabasan na yung mga hormonal pregnancy. Bumabagsak na yung sugar level mo. Bumabagsak na rin yung bp mo or yung blood pressure mo and tumataas naman yung blood flow mo or dumadami na yung fluid mo sa katawan.
So yung mga nangyayari sa katawan mo na ganun nagreresulta ito na mabilis ka ng mapagod kapag ikaw ay napagod. Nagpahinga ka or nakatulog ka na paggising mo feeling mo pagod ka pa rin. Ayan sure na sure buntis ka nga talaga
Next ito popular symptoms din to na lagi niyong nakikita sa pelikula ay morning sickness or ito yung pagsusuka. Suka or pagduwal duwal syempre ang cause din nito is mga hormones ng pregnancy.
Pero tandaan niyo mga mommy, hindi lahat nakakaranas ng morning sickness. Ibat iba kasi ang mga babae. Hindi lahat ay nakaranas ng morning sickness kapag nagbubuntis.
Ang number one reason kasi niyan dahil ang mga buntis nagkakaroon na sila ng sensitivity sa amoy. Masyado na silang maselan sa amoy so kung sakaling maka makaamoy sila ng matapang and hindi sila komportable sa amoy na yun yun na yung time na nahihilo na sila. Kaya nagreresolve ito na nasusuka sila
Next is changes in body temperature. Yung pabago bago yung temperature mo minsan malamig, sobrang init kaya nagkakaroon minsan ng hot flashes or namumula mula ka. Minsan feeling mo init na init ka ang reason din kasi nun is the hormones of pregnancy. Dahil pabago bago din talaga yung mga hormones kapag ikaw ay buntis kaya yan yung mga isa sa effect ng mga hormones na yon.
Another pregnancy symptoms na cause din ng hormones ay ang paglilihi. So ngayon buntis ka meron ka ng mga cravings. May mga pagkain ka or amoy na gustong gusto. May amoy kang gustong gustong amoyin at may mga iilang pagkain ka na gustong gusto mong kainin at lagi mong nirerequest.
Isang uri yan ng paglilihi and cause din ng hormones at may mangyayari din na yung favorite food mo noon na hindi ka buntis ay ayaw mo na ngayon. Ayaw mo na siyang naaamoy so nagkakaroon din talaga ng changes. Another one dahil nga nagiging sensitive ka ang lakas na ng pang amoy mo dahil dun dahil nga malakas na yung pang amoy mo masyado ka ng maselan.
Masyado ng mabilis mairita yung ilong mo sa mga amoy kahit mild lang siya or kahit sa iba mabango sayo mabaho. Kaya ang tendency possible na mahilo ka or masuka ka. Syempre isa din to sa effect ng hormones.
Eto common din to kapag napansin mo na meron ng lumalabas na discharge sayo. Yung parang kulay puti na milky siya tapos thick yung consistency niya and very sticky. Lumalabas lang po iyon kapag ikaw ay pregnant. Ito kasing liquid na to is pangprotekta sa vagina mo. Para walang pumasok na kahit anong infection and maiwasan mo yung uti. Itong liquid na to is very important and makikita mo lang talaga siya kapag ikaw ay buntis.
Paano makasiguro na Buntis ka nga
So kung ikaw ay naghihinala na buntis ka dahil may mga nararamdaman ka sa sarili mo or sa body mo na kakaiba and if makaramdam ka ng mga sintomas na nabanggit dito well this is the time to take pregnancy test para maconfirm talaga na buntis ka nga and kung hindi ka pa rin satisfied sa pregnancy test mo pwede ka na magpacheck up sa doctor at magpa ultrasound.
Doon na talaga malalaman kung pregnant ka kasi ang ultrasound is a positive sign of pregnancy yan. Sa pagti-take naman ng pregnancy test kailangan ng gamitin mo is yung unang ihi mo sa umaga. Kasi dun daw mataas yung hcg hormone. Ito ay isang uri ng hormone ng pagbubuntis. So kapag positive ang HCG mo sa urine mo positive din na pregnant ka nga para hindi ka na malito or magdoubt kung ano ba yung mga nararamdaman mo at syempre para maconfirm mo na din na pregnant ka nga at maprotektahan mo at maalagaan mo yung sarili mo dahil mayroon ka ng binubuhay na baby sa loob ng iyong sinapupunan.
As a mother you need to be responsible sa lahat ng kakainin ilalagay iaapply mo sa katawan mo dahil lahat ng yon it will affect your developing baby. You need to be careful and you need to be responsible.
Listahan ng Prenatal clinic sa Davao
Davao Doctors Hospital
- Address: 118 E. Quirino Avenue, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 222-8000
Brokenshire Integrated Health Ministries, Inc.
- Address: Brokenshire Heights, Madapo, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 221-3045
San Pedro Hospital of Davao City
- Address: C. Guzman Street, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 221-2430
Davao Medical School Foundation Hospital
- Address: Medical School Drive, Bajada, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 227-2731
Metro Davao Medical and Research Center (MDMRC)
- Address: JP Laurel Avenue, Bajada, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 225-5437
Southern Philippines Medical Center (SPMC)
- Address: J.P. Laurel Avenue, Poblacion District, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 227-2731
Women’s Health Care Clinic
- Address: 2nd Floor, Davao Doctors Hospital Medical Arts Building, Quirino Avenue, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 222-8000
Obstetrics and Gynecology Clinic
- Address: 3rd Floor, Metro Davao Medical and Research Center, JP Laurel Avenue, Bajada, Davao City, 8000 Davao del Sur
- Contact Number: (082) 225-5437
Iba pang mga Babasahin
Tamang pag-inom ng Antibiotic sa Sanggol – Mga signs na kailangan na ito ni Baby
Gamot sa Lagnat ng Sanggol: Mga gagawin para bumaba ang lagnat ng baby
Paano mawala ang Sipon ng Newborn Baby : Ano ang pinakamainam Gawin?
2 thoughts on “Paano malaman na buntis sa unang linggo ng walang Pregnancy Test?”