June 13, 2024

Mga bawal gawin ng Buntis : Iwasan ang mga bagay na ito

Spread the love

Habang kayo ay buntis, para manatiling safe ang inyong pregnancy, may mga pagkain na bawal kainin, mga gawain na bawal gawin, at mga bagay na dapat iwasan. So kung sakaling buntis ka ngayon, first time mom ka at wala kang idea, makakatulong itong article na ito sa’yo mommy.

Mga bawal gawin ng Buntis

Narito ang listahan ng mga bagay na dapat iwasan ng buntis para mapangalagaan ang sanggol na dinadala. Pwede i-confirm ang mga nasa listahan na ito sa mga pediatrician at obsterician para sa kapanatagan ng loob.

-Iwasan ang pag inhale ng toxic fumes or pintura

-Iwasang maligo ng mainit na tubig

-Iwasan ang mga fruit juices

-Huwag matulog na nakahilata

-Iwasan ang mga matapang na skin care products

-I-tsek lagi ang mga ingredients ng whitening products or pwede iwasan din muna

-Iwasan magkape ang buntis

-Hindi dapat nagbubuhat ng mabibigat ang buntis

-Iwasan ang high heels

First, kailangan mong iwasan magpintura, mommy. Alam ko, very excited ka na magkaroon ng sariling nursery room ang baby mo. Very excited ka na malaman kung ano ba ang magiging kakalabasan ng room mo, anong design, anong tema. Gusto mo na maki-operate sa pag-aayos ng nursery room para sa baby mo. Well, ito ang dapat mong iwasan. Kailangan iwasan mo muna ang pintura. Hayaan mo munang matapos magpintura, matuyo, at mawala ang amoy bago ka mag-ayos at magdesign sa room ng baby mo. Yung fumes na narerelease ng pintura at ang amoy nito ay hindi maganda para sa buntis. You should avoid inhaling it dahil hindi ito mabuti para sa baby mo.

Another one, mommy, is avoid hot bath, hot shower, or anything with hot water kapag ikaw ay maliligo. Kasi it’s not good for a pregnant woman. Ano bang mangyayari sa’yo kung sakaling nag-hot bath ka? Since hot bath nga, your body temperature will rise. Kapag tumaas ang body temperature mo, magdadrop naman ang blood pressure mo. Kapag nagdrop ang blood pressure mo, hindi na adequate ang mapupuntang nutrients at oxygen sa baby mo. Kapag walang proper nutrients at oxygen si baby, anong mangyayari kay baby? Pwede itong maglead to miscarriage or makunan ka. For you, pwede kang mahilo at manghina after mong maligo ng hot shower. Mas magwoworse kung nagsauna ka o nagbabad ka sa bathtub na may hot water.

Another one is avoid fruit juice. Siguro naisip niyo bakit masama, eh fruit juice naman yan, healthy naman ang ingredients ng juice na ‘yan. Ang juices daw ay may high sugar content at less fiber. Mas maganda pa rin daw na kumain ng fresh fruits kaysa juice. Kasi juice, syempre may preservative na ‘yan at sobrang taas ng sugar content. Kapag madalas mo itong inumin, pwede kang maglead to gestational diabetes (GDM). Ang GDM ay isang sakit ng buntis na mataas ang sugar sa katawan. Kapag mataas ang sugar mo sa katawan, possible na lumaki si baby sa loob. Most patients na may GDM ay naglelead to CS. Kaya it’s better and healthier to eat fresh fruits kaysa juice.

Number four is avoid sleeping on your back. Wag kang humiga ng nakahilata kasi magca-cause ito ng backache. Syempre, dahil malaki ang tiyan mo, yung pressure ng bigat ng baby mo ay magle-lim sa backbone mo. Dahil flat on bed ka, magkakaroon ka ng breathing problem. Lying on your back will lead to low blood pressure. Ina-advise talaga nila na sleep on your side, especially on your left side. Kasi kapag nakahiga ka daw sa left side, mas adequate ang supply ng oxygen kay baby. Pwede ka namang tumagilid sa right side kung nangangawit ka na, pero mas maganda daw ang left sideline position sa buntis dahil it increases the blood flow going to your baby.

Number five is avoid skincare. Di naman totally na wala ka ng iaapply sa mukha mo. Kailangan din natin mamoisten ang face natin. Pero you should be responsible sa mga iaapply mo sa mukha mo. Kailangan basahin ang ingredients bago bumili ng products. Siguro iniisip niyo mga mommy, skincare products natin is only topical application and so that matter during pregnancy. Pero whatever you apply on your skin is absorbed by your body. Kapag naabsorb ito ng body mo, pwede itong makaapekto sa developing baby. Kailangan mong iwasan ang mga product na may salicylic acid, retinoids, at benzoyl peroxide dahil harmful ingredients ito na pwedeng makaapekto kay baby.

If you are using whitening products o kaya rejuvenating skincare products, basahin niyo ang ingredients. Kung meron sa mga nabanggit ko, please iwasan niyo na ito kasi nakakasama kay baby. Ibalik niyo na lang ito after niyo manganak. Number six is avoid raw egg. Yung mga lutong malasado na itlog, kailangan iwasan lalo na kung mahilig ka sa itlog na malasado. Kapag buntis tayo, kailangan nating iwasan yun. Lutuin mabuti ang egg white at yolk para maiwasan ang bacteria, specifically Salmonella, na pwede mag-cause ng diarrhea, na risky sa buntis.

Number seven is kailangan niyong iwasan muna ang kape. Sa mga mommies na mahilig magkape, kailangan niyo itong iwasan kapag buntis na. Hindi naman totally dapat iwasan, pero kailangan mo lang ilimit. According to general guidelines, two hundred milligrams of caffeine everyday or one to two cups of coffee lang ang pwede. Kasi nga, developing pa ang baby inside at wala pang metabolism to process it. Kapag naabsorb ng baby ang caffeine, tatagal ito sa katawan nila, na hindi maganda para sa baby.

Number eight is avoid heavy lifting. Bawal magbuhat ng mabibigat ang buntis. According to general guidelines, not more than 25 pounds lang ang pwede mong buhatin. Number nine is iwasan ang matagal na pag-upo o pagtayo. Kapag matagal kang umuupo o nakatayo, nagkakaroon ng blood clot sa legs. Sign ng blood clot ay kapag may cramps o pulikat. Kaya kapag nakaramdam ng cramps, maglakad-lakad o iflex ang paa para mawala ang pain. Drink more water and ingest more potassium like banana.

Lastly, avoid wearing high heels. Para sa mga office worker o working in a corporate field, iwasan ang high heels habang buntis. Kapag buntis, nagshishift ang gravity ng katawan at mas mabigat sa front area. Mas madalas matumba o ma-out of balance. Kung mag-heels ka, mas madalas ka ma-out of balance.

Listahan ng Prenatal Clinic sa Quezon City

1. St. Luke’s Medical Center – Quezon City

  • Address: Eulogio Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, 1112 Metro Manila
  • Phone: (02) 8723 0101

2. The Medical City – Satellite Clinic

  • Address: 2nd Floor, Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8396 9899

3. Philippine Children’s Medical Center

  • Address: Quezon Avenue, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8588 9900

4. Fe Del Mundo Medical Center

  • Address: 11 Banawe St, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8858 5779

5. East Avenue Medical Center

  • Address: East Avenue, Diliman, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8928 0611

6. Quezon City General Hospital

  • Address: Seminary Rd, Project 8, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8863 0800

7. Commonwealth Hospital and Medical Center

  • Address: Lot 35 Regalado Avenue, Fairview, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8282 2888

8. Diliman Doctors Hospital

  • Address: 1198 EDSA, Diliman, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8921 6772

9. Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital

  • Address: 7 Kamuning Rd, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8988 2651

10. National Children’s Hospital

  • Address: E. Rodriguez Sr. Blvd, Quezon City, Metro Manila
  • Phone: (02) 8711 6824

Iba pang mga Babasahin

Tamang position ng pagtulog ng Buntis na safe sa Sanggol

Paano malaman na buntis sa unang linggo ng walang Pregnancy Test?

Tamang pag-inom ng Antibiotic sa Sanggol – Mga signs na kailangan na ito ni Baby

Gamot sa Lagnat ng Sanggol: Mga gagawin para bumaba ang lagnat ng baby

One thought on “Mga bawal gawin ng Buntis : Iwasan ang mga bagay na ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *