January 9, 2025

Bakuna na COVID 19 VACCINE sa pregnancy and breastfeeding Mom

Spread the love

Gusto mo bang malaman kung safe ba ang covid 19 na bakuna sa buntis at nagpapadede na mommy?Ibibigay natin agad ang sagot sa tanong ng mga nagbasa ng article na ito dahil gusto mong malaman kung safe ba sa isang buntis o sa nagpapasuso ang bakuna para sa COVID-19. Ang sagot diyan ay oo, okay lang mabakunahan ang buntis at ang breastfeeding mom.

Pero kung gusto niyo ptalagang malaman ang mga risk at benefits ng vaccine at mga kaalaman about sa bakunang ituturo ko sa inyo, tapusin niyo ang article na ito.

Kaalaman sa Bakuna na covid 19 para sa Buntis

Ang pagbakuna ng COVID-19 sa mga buntis at breastfeeding mom ay nirerekomenda na ng mga health professionals. Alam naman natin na delikado ang virus na ‘to, lalo na sa mga highest individuals. Sila ang mga senior citizen, mga taong may comorbidities o yung mga may sakit gaya ng hypertension, diabetes, at iba pa, at syempre sa mga buntis.

Pero ayon sa American College of Obstetrics and Gynecology, mas mataas ang risk kapag hindi magpabakuna kaysa sa walang bakuna. Pinag-aaralan pa ng mga researchers ang tungkol sa COVID-19 sa mga buntis. Kasalukuyan, may mga pag-aaral na nagsasabi ng mas mataas ang chance na magkaroon ng COVID-severe ang buntis kaysa sa hindi buntis. May mga reports na nagsasabi na mas nagkakaroon ng sintomas ang mga nahawa ng COVID-19 sa mga buntis. Sila din ang madalas na nangangailangan ng ICU dahil sila ay natutubo at nangangailangan ng ventilator.

Wag kayong mag-alala dahil according naman sa statistics, ang overall risk for severe illness from COVID and death of pregnant women ay mababa. Bagamat, tumataas naman ang panganib kapag ang buntis na may COVID ay may ibang sakit tulad ng gestational diabetes at obesity. Kaya naman binibigyan ng karapatan ang buntis na magpabakuna ng COVID-19. Maaaring humingi ng payo mula sa iyong OB-GYN ukol sa inyong pagbabakuna.

Anong brand ng bakuna ang magandang ibigay?

Walang sinabi na kung anong brand ang mas maganda para sa buntis. Pero ito ang dapat tandaan na the best vaccine is whichever is available.

Anong trimester ba ako dapat magpabakuna?

Pwede magpabakuna kahit anong stage ng pagbubuntis pero para masigurado, hintayin na matapos ang first trimester bago magpabakuna. Hindi pa kasi buo lahat ng organs ni baby dito. Wag din magpabakuna pag malapit na manganak dahil dito ang pinakamataas na posibilidad na magkaroon ng komplikasyon from COVID virus. Mas mainam magpabakuna around twelve to thirty weeks pero mas magandang itanong sa iyong midwife or sa iyong OB-GYN ang tungkol dito.

Pwede bang magbuntis kapag nabakunahan?

Pwede naman, mommy. There is no evidence yet na makakasama ang bakunang ito sa fetus. May ilan na dinidelay ang pagbubuntis kapag nabakunahan. Mas mainam na tapusin ang second dose ng bakuna para siguradong protektado at maiwasan ang infection na ito.

Listahan ng Prenatal Clinic sa Pateros

Pateros Municipal Health Office – Maternal and Child Care Program Address: Pateros Municipal Hall, M. Almeda Street, Pateros, Metro Manila Telepono: (02) 8642-3150

Pateros Community Hospital Address: P. Rosales Ave, Pateros, Metro Manila Telepono: (02) 8642-3455

Pateros Health Center Address: Martinez Compound, E. Rivera St., Pateros, Metro Manila Telepono: (02) 8642-0809

St. Martha’s Maternity Hospital Address: B. Morcilla Street, Pateros, Metro Manila Telepono: (02) 8642-3054

Rizal Medical Center – Pateros Satellite Clinic Address: P. Rosales Ave, Pateros, Metro Manila Telepono: (02) 8642-3150

Iba pang mga Babasahin

Mga bawal gawin ng Buntis : Iwasan ang mga bagay na ito

Tamang position ng pagtulog ng Buntis na safe sa Sanggol

Paano malaman na buntis sa unang linggo ng walang Pregnancy Test?

Tamang pag-inom ng Antibiotic sa Sanggol – Mga signs na kailangan na ito ni Baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *