Una sa lahat, kailan ba natin sasabihin na si baby ay nagtatae? Ang definition ng pagtatae ay kung ang bata ay mayroong tatlo o higit pa na beses na naglalabas ng dumi at ito ay matubig. Tandaan mo mommy ha, matubig. So kung halimbawa buo ang pupu nakatatlong beses, hindi yun pagtatae. Talagang titingnan mo yung consistency bago mo masabi na siya ay nagtatae.
Bakit tayo magiging concern sa pagtatae ng bata?
Kasi nga ang kada pupu, lalo na kung matubig, naglalaman iyon ng almost 100 ml to 200 ml ng tubig. Isipin mo na lang ang batang sampung kilo lamang, maglalabas ng ganung karaming tubig at madalas, ang unang-unang problema natin ay dehydration, natutuyuan ng tubig sa katawan. Kaya ang unang-unang dapat nating maalala at malaman eh paano natin papalitan yung lumalabas na tubig sa pupu na pwedeng mag-cause ng dehydration sa bata.
Mapalitan natin ng fluid na available sa bahay. Karaniwan, ang suggestion namin ay bigyan sila ng mga sabaw, tubig na malinis na pang-inom, o kaya naman meron po ito sa mga health center libre, o kaya naman sa mga farmasya nabibili ang tinatawag na oral rehydration solution.
Ngayon, paano binibigay itong ORS sa bata?
Marami itong mga klase. Ano dapat alam natin pag tayo bumili o kumuha sa center? Basahin po natin yung packaging. Ang mga ORS sa center kailangan po tandaan niyo tama ang dilution o dami ng tubig na ilalagay natin dito sa mga ORS na ito.
Kasi karaniwan mabibili natin to powder form sa sachet form. Ngayon halimbawa, kung ang bibilhin niyo ay yung ORS na nakahalo na, meron ho ito mga bottled na ORS na nabibili sa mga parmasya, tama na po ang kanyang dilution.
Ibig sabihin tama na ang dami ng salt at asukal dun sa solution, so hindi na dinadagdagan ng tubig yun. Pero halimbawa, ang nabili niyo ay mga packets o sachet, tingnan niyo yung packaging ilang ml, ilang litro ng tubig ang kailangang ilagay sa ORS niyo na nabili.
Importante yun kasi kung ang ibibigay niyong fluid ay kulang sa nutrisyon, kulang pa rin yung papasok sa kanyang katawan at hindi po natin ma-address ang kanyang dehydration dahil maraming komplikasyon ang dehydration. Panghihina, lagnat, at maaaring ikamatay ang dehydration na severe. So yun ang unang-unang kailangang maalala ni mommy, palitan ang lumalabas sa pupu.
Number two, importante ang nutrisyon. Kung halimbawa ang bata ay nagsusuka, sa first two hours maaaring kutsarahin o idropper yung inyong ORS. Kung sa loob ng 2 oras, nai-inom na niya yung ORS na binibigay ninyo, maaari ng sa 4 oras magsimula na ng gatas, kung anong gatas ang ibinibigay niyo sa kanya.
Karaniwan kung nagpapasuso kayo, ituloy niyo yung pagpapasuso niyo sa batang sakit, mga sanggol. Kung halimbawa naman siya ay six months pataas at nakakakain na ng mga sabaw na ginagawa natin sa bahay, basta hindi ganun kamamantika at tingin niyo kasi importante dito eh tubig at asin.
So yung mga usual na mga sabaw na ginagawa natin sa bahay pwede nating ibigay sa bata kung siya ay six months pataas maliban sa gatas at tubig. At kung natotolerate na niya or naiinom na niya ORS, ang pagpapainom unti-unti kasi karaniwan to sa mga batang nagtatae. Minsan may kasabay na pagsusuka o kaya minsan naman ayaw ng dumede o kumain, kaya kailangan tiyagain niyo bigyan.
Kutsarita, idropper, dropper, konti-konti, kahit mga three to five minutes bigay ulit, bigay ulit. Wag niyong ibigay kung ayaw. Kailangan niyong pagpahingahin ang bata kung nagsuka, pagpahingahin ng mga thirty minutes, two hours, and then ulitin ulit unti-unting pagpapasuso o pagbigay ng ORS.
Maaaring i-alternate yun, gatas at ORS. Yun ay sa first four to six hours. Ngayon kung after four to six hours natotolerate na niya, umiihi na siya, mas magana na siya, maaari na siyang magsimula ng mga pagkain.
Anong mga pagkain to para sa nagtatae na bata?
Easy to digest, ano to mga lugaw, cereal, sabaw, dry crackers. So maaari niyo na po silang simulan ang gantong pagkain o malambot na lutong isda o lutong chicken o nilagang mga pagkain.
Tandaan niyo, first two hours ORS. Kung nagpapasuso, gatas maaaring i-alternate unti-unti, kutsara, dropper. Kung nagsuka, magpahinga ng 2 oras and then mag-reintroduce again pagkatapos nun. Una, nagbigay kayo ng ORS na tolerate, nainom, hindi sinusuka, ibalik na ang gatas. Pwedeng kung nagpapasuso po kayo, ituloy ang pagpapasuso.
Kung natotolerate ulit, wag niyo pong ibigay na totally halimbawa six ounces ang nauubos niya. Bigyan niyo lang po ng mga two to three ounces para unti-unti ang pag-inom at hindi niyo matrigger yung pagsusuka ng bata. And then after that, obserbahan niyo po ang bata.
So yun yung pangatlo. Una, prevent dehydration. Two, ituloy ang pagpapakain. At three, obserbahan pong mabuti ang bata. Ang batang hindi dehydrated, umiihi ho yan every two to four hours, wala siyang lagnat, masigla at may ganang uminom o kumain.
Kung ang bata mataas ang lagnat, lahat ng ibinibigay niyo isinusuka, at hindi na siya umiihi for the next six to eight hours, lahat po yun ay senyales na siya ay dehydrated na. So importante po, kung hindi po natotolerate lahat ng pumapasok, isinusuka, nagtatae, wala ng ihi, nilalagnat na ng mataas, kailangan na po itong dalhin sa pinakamalapit na emergency room upang mabigyan po siya ng nararapat na hydration. Karaniwan po yan, kung hindi niya matolerate ang oral, lalagyan na po namin ng sweldo.
Kung maaari po at nakikita niyo po na ang inyong mga anak ay meron ng sintomas na kailangan ng kumonsulta, maaaring lumapit sa pinakamalapit na ospital o sa mga kakilalang doktor sa lugar upang macheck up po either through online or virtual.
Sa mga parents na natatakot pumunta sa mga ospital, number one, pagdating niyo pa lang sa garahe o sa pintuan ng emergency room, meronng mga triage officer don. Ang triage officer titingnan po kayo kung saan kayo nararapat na pwesto, sa COVID o sa non-COVID. Kung tingin po ng officer na ikaw ay walang sintomas ng COVID, ihihiwalay po kayo dun sa non-COVID area para din po sa inyong kabutihan. Kaya’t hindi po nararapat na matakot. Mas matakot po kayo kung yung bata ay nasa kritikal na estado at hindi siya mabigyan ng karapat-dapat na gamutan, baka ho mas lalong lumala.
Kaya importante sa mga mommies and daddies, we need to decide kung talagang kailangang dalhin sa ospital, pumunta lang sa triage area ng mga ospital upang ma-voice out niyo yung concern niyo dun sa triage officer. At yung mga triage officer ng mga emergency room, hihiwalay lalo na pag bata dahil iniingatan nila ang bawat pasyente na pumapasok sa kanilang hospital na hindi rin mahawa sa COVID.
Kaya, huwag matakot kung kinakailangan talagang dalhin sa ospital ang inyong anak. Ang mga healthcare professionals po ay trained para siguraduhin na ang bawat pasyente ay ligtas at nasa tamang lugar.
Para maiwasan ang dehydration at mga komplikasyon dulot ng pagtatae, tandaan ang tatlong importanteng bagay na dapat gawin.
Prevent Dehydration
Palitan ang nawawalang fluids sa katawan ng bata sa pamamagitan ng pag-inom ng ORS, tubig, o sabaw. Siguraduhing tama ang dilution ng ORS ayon sa packaging instructions.
Ituloy ang Pagpapakain
Kung nagsusuka ang bata, bigyan ng ORS gamit ang kutsarita o dropper sa unang dalawang oras. Kung natotolerate na, magpatuloy sa pagpapasuso o pag-inom ng gatas at unti-unting magpakain ng easy-to-digest foods tulad ng lugaw, sabaw, at dry crackers.
Obserbahan ang Bata
Bantayan ang mga sintomas ng dehydration tulad ng kawalan ng pag-ihi, mataas na lagnat, at pagsusuka ng lahat ng iniinom. Kung mapansin ang mga sintomas na ito, dalhin agad ang bata sa pinakamalapit na emergency room para sa tamang gamutan.
Tandaan, mahalaga ang tamang nutrisyon at hydration sa mga bata lalo na kapag sila ay may sakit. Kung may alinlangan, huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong doktor o pumunta sa ospital para sa agarang lunas.
Maraming salamat sa panonood ng video na ito. Sana ay nakatulong kami sa pagbibigay ng tamang kaalaman sa pangangalaga ng inyong mga anak. Huwag kalimutang mag-subscribe at i-turn on ang notification bell para sa mga susunod pang videos tungkol sa kalusugan ng inyong mga anak at parenting tips.
Iba pang mga babasahin
Mabisang gamot sa kati kati ng bata o eczema
Mga bawal na pagkain sa nagtatae na bata
One thought on “Mabisang gamot sa pagtatae ng bata – Home remedy at First aid”