Ngayon ang pag-uusapan natin ay tungkol po sa pag-aalaga ng mga bata, about children dahil ang topic po natin ay about sa pananakit ng tiyan ng mga bata. So ano nga ba ang mga dahilan, ano ang mga pupwede nating gawin, ano yung mga sintomas o ano yung mga posibleng sakit na meron, at ano ang mga pupwede nating gawin sa mga remedies, mga paggagamot, at papaano natin maiiwasan ang pananakit ng tiyan?
Dahil alam naman natin na kapag ang bata ay nakakaramdam ng sakit, it’s so very irritating at ito ay sobrang magpapahirap sa kanya at the same time sa nag-aalaga sa kanya. Kaya tara na, pag-usapan natin at sana ang video na ito ay maging kapaki-pakinabang para sa inyo.
Ano ang sakit sa tiyan ng bata
Stomach pain is a common complaint ng maraming mga kids, ayon kay Dr. Caroline And Castro, isang pediatric gastroenterologist, at ayon naman kay Dr. Megha Metha, a pediatric gastroenterologist at Children’s Health and assistant professor at University of Texas Southwestern. Mayroon ding ganitong mga article sa gamotsabata.com.
Ang sabi niya, one of the first questions we ask children is where their stomach hurts because the location of the pain can help determine what is causing the pain, in addition to other characteristics such as the severity of pain, when it hurts, and what makes it better or worse, and accompanying symptoms.
Ano nga ba ang pananakit ng tiyan sa mga bata?
Actually, ang pananakit ng tiyan ay nag-iiba-iba. Ito ay naapektuhan ng edad, kaya depende sa edad yung mga nararanasan, iba’t ibang mga sintomas ng mga bata, at kung saan ba yung lokasyon o saan nararamdaman yung pain, specifically sa kanyang abdomen.
Kasi ang abdomen ay malaking parte, at kada location o kada pwesto ng pananakit ay specifically ay pupwedeng nating madetermine kung bakit nagkakaroon ng pananakit ng tiyan o ano yung nagiging cause nun. Bagaman common, karaniwan sa mga pananakit ng tiyan ay benign or self-limiting, ibig sabihin nawawala naman siyang kusa o temporary lang, pero wag po nating ipagpapabaya ang mga sakit ng tiyan na kritikal at maaaring humantong sa pagkamatay.
Para sa mga baby at toddler, papaano ba natin malalaman kung sumasakit ang kanilang tiyan?
Minsan, nahihirapan pa silang idescribe ito o ituro kung ano nga ba talaga ang nararamdaman nila na sakit ng tiyan. So anong mga pupwedeng maging signs?
Una, sila ay irritable at hindi mapakali, yung tipong namamaluktot o yung tuhod nila ay inilalapit nila sa tiyan, hindi na rin sila makakain ng tama o makadede ng maayos. Yun ang iba sa mga simple at mga common din naman na mapapansin ninyo sa mga bata na sumasakit ang tiyan.
Mga sanhi at mga dahilan ng pananakit ng tiyan ng mga bata?
Una, syempre ay ang indigestion, kung sila ay hindi natunawan, posibleng may nakain silang hindi sanay ang tiyan niya, tapos hindi sila natunawan, so syempre sasakit ang tiyan.
Pwede naman din na ito ay sanhi ng infection, okay, so baka merong problema na nangyari sa loob ng tiyan niya at ito ay sanhi ng infection, bacterial or viral.
O baka naman ang baby ay constipated or nagtitibi, matigas ang tae niya at hindi niya to mailabas, kaya nandodoon sa loob ng tiyan, so syempre sasakit ng sasakitan siya.
Posible din na ang bata ay nasa stressful situation at siya ay nababalisa, so pupwedeng isa sa maging reaksyon niya ay sumakit ang tiyan. Pwede din yung tinatawag na irritable bowel syndrome, o baka naman ang bata ay merong appendicitis, ito yung biglaang pananakit ng tiyan na halos hindi na siya maghinto at sobrang pasakit ng pasakit siya, so ito ay isa sa mga kritikal na pananakit ng tiyan.
Kung ang mga bata ay nagkakaroon ng pananakit ng tiyan, ano ba ang pupwedeng nating mga gawin?
Ang sabi, naiibsan ang pananakit ng tiyan sa pamamagitan ng pagpapahinga ng bata, so hayaan niyo siya na magpahinga, mag rest muna siya. At kung ang cause ay merong something sa tiyan niya na kailangan niyang ilabas, yung mismong pagtae or pagdumi ng mga bata ay makakatulong para maibsan ang pananakit ng tiyan dahil may something sa loob ng tiyan niya na kailangan niyang ilabas.
Yung pagkilos ng mga bituka niya ay magcocontribute at iyon ay magiging paraan para mabawasan o mawala ang kanyang pananakit ng tiyan.
Yung pag-utot, paglabas ng hangin galing sa tiyan, so yung mga gas na naiwanan sa loob ng tiyan na ikot lang siya ng ikot, kapag hindi siya nakakalabas, yun po yung kabag. Pagka nailabas o naiutot na niya yung gas na yun, so maririnig na po siya sa pain.
Pwede niyo ring painumin ng tubig ang mga bata para naman sila ay ma-keep hydrated. Tandaan lang po na ang pagpapainom ng tubig ay dapat po ito ay six months old or twelve months old, aba, po pwede din po, suggested na pwede kayong maghalo sa tubig ng mga bata ng probiotics na makakatulong po ito para maghinto o huminto po yung pagtatae ng mga bata.
Pero wag niyo po sila munang bibigyan ng mga solid foods hanggat maaari yung tinatawag namin na BRAT diet or soft diet at mga crackers lang dahil ang sobrang pag intake, kapag ka masakit ang tiyan, mas lalo yung makakatrigger ng pagsakit ng tiyan. At the same time kung ito ay suspected na appendicitis at kailangan ng imaging or surgery, hindi siya agad maoperahan kung meron siyang food intake kasi kailangan may tinatawag na procedure, isa sa standard operating procedure na kailangan ng npo or walang laman ang tiyan, so palilipasin muna yung ilang oras bago siya operahan.
Kaya mas inaadvise ng doktor na as much as possible ay soft or liquid na lang muna, iwasan ang mga inuming nakakairita, yung mga carbonated drinks, yung mga softdrinks, yung mga kape, tsaa, yung mga dairy products, gatas, yogurt, at iba pa. Kung papainumin ng gamot katulad ng aspirin, ay then pwede kayong mag-apply ng warm compress, ibig sabihin gamit kayo ng heating pad or na pupwedeng ilagay sa abdomen ng bata.
Pwede kayong gumamit ng bote, lagyan niyo po ng mainit na tubig yung bote, balutin niyo siya ng tela or ng towel or something para hindi magkaroon ng direct na contact yung bote sa skin ng baby or ng bata. Okay, so kailangan lang kasi ay mainitan yung tiyan, pero iwasan niyo ang pagkapaso ng tiyan. Makakatulong ito lalong-lalo na kung ang cause ng sakit ng tiyan ay kabag.
Gamit din kayo ng mga mentholated na pwedeng pamahid sa tiyan, ng mga ointment or pamahid dahil ito makakatulong lalo na kung para lumabas yung gas o lumabas yung hangin na sanhi ng kabag.
So kailan niyo naman icoconsider na dapat niyo na dalhin sa doktor ang inyong anak?
Meron tayong mga sintomas o mga palatandaan na kailangan tingnan para sabihin natin na ito ay hindi na kailangang ipagpaliban at kailangan niyo na ng dalhin o ikonsulta sa kanyang doktor.
Kung ang pananakit ng tiyan ng inyong baby ay hindi ninyo marecognize kung ano ang talagang dahilan, kung nagtitibi o nagcoconstipate ang inyong baby ng madalas, pagtatae o kaya meron ng dugo sa dumi, kung may pain o umiiyak ang bata kapag siya ay umiihi, kapag siya ay may lagnat at ubo, kung mapansin niyo na bigla o nagkakaroon ng pagbaba ng timbang ng inyong anak, kung mukha ng may sakit o talagang may karamdaman ang inyong anak, kung ang inyong anak ay halos hindi na makatulog o kung siya ay nagigising at umiiyak at dinadahilan niya ay ang pagsakit ng kanyang tiyan, kung merong paninilaw ng balat, mas makakatulong na ikonsulta niyo ang inyong anak para sa mabilisang medical attention o para mas mapabilis po ang pagpapagaling sa inyong anak.
So paano naman natin maiiwasan ang pananakit ng tiyan ng mga bata o ang nagiging common cause ng pananakit ng tiyan ng inyong anak ay ang constipation, indigestion at iba pang cause ng stomachache? Makakatulong ang mga hakbang na ito para maiwasan ito.
Una, itama ng eating habits ng mga bata, iwasan ang pagsusuot ng mga tipo na damit na masyadong naiipit yung kanilang tiyan, iwasan ang pagbibigay ng mga anti-inflammatory drugs tulad ng ibuprofen, sikaping regular ang pagdudumi ng bata at iwasan ang mga stress na posibleng dahilan na nagcocontribute ng anxiety sa bata at naglelead sa pananakit ng kanyang tiyan.
Iba pang mga babasahin
5 senyales na gusto ng baby ang Gatas niya na Formula milk
Gamot sa singaw ng bata na Ibat ibang klase
Solusyon sa inverted nipple ng nagpapadede
Mabisang gamot sa pagtatae ng bata – Home remedy at First aid
One thought on “Mabisang gamot sa pananakit ng tiyan ng bata”