November 15, 2024

Buntis pero Dinudugo symptoms

Spread the love

Kapag isang babae ay buntis pero mayroong dinudugo o nakararanas ng vaginal bleeding, maaaring ito ay nagpapahiwatig ng ilang mga kondisyon o komplikasyon sa pagbubuntis. Ito ay maaaring maging maaring palatandaan ng hindi malusog na pagbubuntis, kaya’t mahalaga na kumunsulta kaagad sa isang doktor o OB-GYN upang masuri ang sitwasyon.

Isa ito sa pinaka-common na tanong ng mga babae. Sagutin natin sa article natin ito at ipaliwanag ang mga rason bakit ito possible na mangyari sa kanya. Pwede din kasing makalito sa mga babae ang pag regla habang buntis.

Halimbawa ng Bleeding ng Buntis

Case#1: 6 weeks ng walang menstruation kaya ang expectation ay buntis na after ng Positive ang Pregnancy test. Pero bigla siyang nakaramdam ng vaginal spotting at may matinding hypogastric pain o masakit ang puson

Probable cause: Infection, miscarriage, ectopic pregnancy

Case#2: 30 weeks ng pregnant pero bihirang mag-pa check up sa OB-gyne at bigla siyang nakakita ng spotting

Probable cause: Placenta abruption, placenta previa, placenta accreta, pre-term labor

Iba pang Posibleng dahilan ng Vaginal bleeding habang buntis

Ayun kay Dr. Carol Taruc ang mga karaniwang kaso ng vaginal bleeding ay ang pagkakaroon ng implantation bleed, pagkalaglag ng anak o nalalaglag palang, placenta previa o di naman kaya ay yung mayroong infection sa kaniyang matres. Narito ang mga pagpapaliwanag.

Implantation bleeding

Ito ay madalas na nangyayari sa unang linggo ng pagbubuntis kapag ang fertilized egg ay nai-implant sa lining ng matris. Maari itong magdulot ng spotting o madilim na dugo sa underwear ngunit hindi ito kasing malakas ng buwanang regla.

Threatened abortion

to ay isang sitwasyon kung saan mayroong mga senyales ng posibleng pagkakaroon ng miscarriage o pagkakabasag ng placenta. Ito ay maaring samahan ng vaginal bleeding, abdominal cramps, at pagtatae. Importante na agad kumonsulta sa doktor kung ikaw ay may mga senyales nito.

Placenta previa

to ay isang kondisyon kung saan ang placenta ay natatakpan ang cervix. Maaring magdulot ito ng vaginal bleeding, lalo na kapag sumasailalim ka sa mga pagsusuri o stress.

Placental abruption

Ito ay kung saan ang placenta ay natutuklap mula sa uterine wall bago ang oras ng panganganak. Ito ay masamang kondisyon at maari itong magdulot ng vaginal bleeding, abdominal pain, at stress sa sanggol.

Ectopic Pregnancy

Hindi nakaabot ang pregnancy implantation sa may fallopian tube. Posible na mag-cause ito ng heavy bleeding. Sa normal pregnancy ang fetus ay nasa uterus area.

Infection

Ito ay maaring magdulot ng vaginal bleeding kung may impeksiyon sa reproductive system o urinary tract. Mahalaga itong agarang gamutin upang hindi magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis.

Paano maiwasan ang pagdudugo kapag ika’y buntis

Regular prenatal care

Mahalaga ang regular na check-up sa doktor o OB-GYN upang masubaybayan ang kalusugan ng ina at sanggol. Ang mga pagsusuri at payo ng doktor ay makakatulong sa pag-iwas sa mga komplikasyon sa pagbubuntis.

Healthy lifestyle

Sundan ang isang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkain ng maayos, pag-eehersisyo, at pag-iiwas sa mga masamang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Tamang nutrisyon

Kumain ng balanseng pagkain na may mga kinakailangang bitamina at mineral tulad ng folic acid, iron, at calcium. Ang pagtutok sa tamang nutrisyon ay makakatulong sa pag-iwas sa mga komplikasyon tulad ng anemia.

Pag-iwas sa mga delikadong gawain

Iwasan ang mga gawain o aktibidad na maaring magdulot ng trauma sa tiyan o puwede makasama sa buntis na katawan. Ito ay tulad ng masyadong mahigpit na ehersisyo o mga sports na may malalakas na contact.

Pag-iwas sa stress

Ang labis na stress ay maaring magdulot ng mga komplikasyon sa pagbubuntis. Subukang mag-relaks at magpahinga nang maayos. Maaring makatulong ang yoga, meditation, o iba pang relaxation techniques.

Pag-iwas sa pag-inom ng maraming kape o iba pang caffeinated drinks

Ang sobrang kape o caffeine intake ay maaring magdulot ng mataas na blood pressure o miscarriage.

Mahusay na hygiene

Panatilihing malinis ang vaginal area upang maiwasan ang impeksyon. Huwag gamitin ang mga harsh na feminine washes at iwasan ang vaginal douching.

Pagsunod sa mga payo ng doktor

Sumunod sa mga inirerekomendang gamot o supplement na ini-prescribe ng doktor. Kung may mga existing health conditions, konsultahin ang doktor para sa tamang pag-manage nito.

Pag-iwas sa mga kritikal na situwasyon

Kung ikaw ay may mga pinalalala o emergency na sitwasyon sa iyong kalusugan habang buntis, tulad ng severe abdominal pain, vaginal bleeding, o kahit anong mga hindi karaniwang sintomas, agad na kumonsulta sa doktor.

Higit sa lahat, tandaan na bawat buntis ay iba-iba ang kalagayan, kaya’t mahalaga ang regular na komunikasyon sa doktor upang mapanatili ang kalusugan ng ina at sanggol.

Conclusion

Sa normal na mga pangyayari ang pagdurugo ng buntis, spotting or may pinkish light brown discharge during pregnancy or after 1-2 weeks mabuntis ay posible kapag ang fertilized embryo ay nagumpisang kumapit na sa matres (implantation bleeding). Pwede ding maselan ang mga lining ng cervix kaya pwedeng magdugo.

Para sa ibang mga kadahilanan na hindi maintindihan ng buntis kung bakit dinudugo ay kailangang sumangguni sa OB-gynecologist. Kailangang isa-alang alang ang kalusugan ng buntis at ng kaniyang baby.

Iba pang mga Babasahin

Ang sintomas ng Ovulation

Mga Bawal na Pagkain sa Buntis 1st trimester

5 days delayed pwede na ba mag Pregnancy Test (PT)

Enfamama A+ Chocolate Powdered Milk Drink for Pregnant and Breastfeeding Mom 1.4kg [350g x 4s]

One thought on “Buntis pero Dinudugo symptoms

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *