January 9, 2025

Tamang position ng pagtulog ng Buntis na safe sa Sanggol

Spread the love

Pag usapan naman natin yung tamang posisyon sa pagtulog ng buntis. Ano ba yung posisyon sa pagtulog na nakakasama sayo? Ano yung posisyon na delikado para kay baby at ano naman yung posisyon na magiging komportable ka at makakatulog ka ng maayos sa gabi?

So kung ikaw mommy ay nagkakaroon ka ng struggle sa posisyon ng pagtulog sa gabi para sayo ang article na to.

Bakit kailangan ng Tamang Position sa pagtulog ng Buntis?

Ang mga pregnant mom na nasa twenty eight weeks of pregnancy na natutulog ng nakahilata, nakatihaya or flat on bed ay sila yung mataas ang chance na mamatay si baby sa loob or ito yung tinatawag na still bird.

Ang mga buntis habang lumalaki yung tiyan nila mas nagiging mahirap para sa kanila na matulog sa gabi naghahanap yan ng tamang posisyon kung san sila magiging komportable at magiging tuloy tuloy yung tulog nila.

So yung iba natutulog ng nakatihaya.

Yung iba naman nakatagilid sa kanan

Yung iba naman nakatagilid sa kaliwa

So depende nga kung san ka magiging komportable pero ano ba talaga yung best position para sayo at para sa baby mo.

Ano ang pinakabest position sa pagtulog ng Buntis para safe ang sanggol sa tiyan

Ang best position para sa buntis ay left sideline position o yung natutulog kang nakatagilid sa kaliwa. The left sideline position is the best position para kay mommy at para kay baby and the number reason of that is it helps the pregnant para mabawasan yung nararamdaman nitong pressure sa liver and sa kidney nito and if ever na walang pressure hindi na lalagyanan yung liver and kidney mas maayos yung function nito sa body natin. Kung baga maayos at malilinis ito ng wasto. Yung mga waste products ng katawan natin habang tayo ay pregnant mas naiiwasan ito. Yung pagkakaroon ng idema or yung pamamanas ng isang buntis.

So mababawasan yung pamamanas sa kamay, sa binti at sa paa. Another reason ng left sideline position is better circulation para kay mommy at para kay baby. Kasi mommy kapag nakahiga ka ng left side mas dumadaloy ng maayos yung dugo mo sa katawan at mas maayos din yung dugong dumadaloy papunta kay baby kasi walang naiipit na ugat.

Actually kasi mga mommy kapag nasa third trimester na yung isang buntis di ba yung tummy niyan malaki na kasi nga si baby buo na yan sa loob. Tayo po kasi meron po talaga tayong mga big vessel sa abdomen area natin.

Basta ang point lang dito meron tayong malalaking ugat na nasa abdomen area natin or nasa tiyanso imaginine mo mommy. Merong isang malaking baby na dadagan doon sa mga ugat na yun kaya medyo naiipit talaga sila.

Kaya mga mommy kapag nafi-feel niyo na na nahahapo na kayo try niyo humiga or tumagilid sa kaliwa  para madecompress yung mga big vessels na yun or para hindi sila naiipit para mas maayos yung daloy ng dugo sa katawan niyo at kay baby

So syempre eto na nga ang issue diyan, naiintindihan ko kayo hindi lahat ng pregnant kayang humiga sa left side. Hindi lahat komportable sa ganung posisyon. Pero yun talaga yung safe posisyon at saka right position sa isang buntis and para din kay baby

Kaya ganito na lang bibigyan ko na lang kayo ng tips para makatulog pa rin kayo sa kaliwa niyo.

Ano ang dapat gawin para maka position ng maayos sa pagtulog ang buntis

Ang pinaka tip diyan mommy is gumamit kayo ng mga pregnancy pillow. Medyo pricey siya pero kung sakaling hindi kayo nakakatulog ng maayos and hindi kayo comfortable humiga sa left side, well mag invest kayo ng isang pregnancy pillow lalo na kung sakaling ikaw mommy ay nag undergo ng C-section very helpful din yun sayo.

Kung sakaling gusto mo i-push ang breastfeeding, isang purpose ng pregnancy pillow binabalot nito yung buong katawan ng isang pregnancy para mas maging komportable siya and it also help to find the best position.

Ngayon mommy kung sakaling hindi talaga kaya na magkaroon ng pregnancy pillow pwede naman gumamit ng papillow or kahit anong unan na available sa bahay niyo. Basta maglagay ka lang ng unan sa ilalim ng tummy mo para may support and maglagay ka din ng isa pang unan sa gitna naman ng dalawang tuhod mo para sa gitna ng hita mo parang gagawin mo siyang sandalan.

Para naman mawala yung pressure doon sa binti mo. So ang purpose nun is para ma-maintain na laging nakataas yung abdomen mo. Parang hindi lang nakabagsak siya dun sa kama at support na rin siya sa balakang at saka sa likod mo para nga mas maging komportable yung pagtulog mo.

Kasi nga may mga mommies talaga na hindi komportable o kaya nagkakaroon sila ng pain when they are sleeping on the left side.

Ngayon mommy if yung mga suggestion ko na unan if hindi pa rin possible para sayo nahihirapan ka pa rin humiga ng nakatagilid sa kaliwa, ang susunod na suggestion naman diyan is pwede kang humiga ng nakatihaya pero kailangan nakataas yung ulo mo forty five degree para hindi ka talaga flat at hindi talaga magkakaroon ng pressure doon sa mga big vessels.

So again mommy para supported yung abdomen mo, supported yung likod at balakang mo, maayos yung blood circulation papunta sayo at papunta kay baby. Need to sleep on your left side and try mo gawin yung mga suggestion sa article na ito para mas maging komportable ka and makatulog ka ng maayos sa gabi.

Mga tips para mas maayos ang tulog ng Buntis sa gabi?

Number one diyan is kailangan mag exercise ka. You need to have an everyday exercise pero syempre ang exercise po is hindi para sa lahat ng buntis. Kasi may mga buntis na merong complication. So you need to inform and ask your doctor kung pwede ka bang mag exercise daily.

Kung sakaling pinayagan ka naman morning exercise is the best and kung sakaling hindi ka pwede ng heavy exercise you can walk thirty minutes daily.

Pangalawa kailangan iwasan mo po ang kape. Kung sakaling coffee lover ka pwede mo namang ilimit ang pagtake ng kape and uminom ka lang ng kape during morning wag ka nang iinom kapag matutulog ka na kasi maiistimulate ka ulit mawawala yung antok mo.

Nakakatulong din ang pagmamassage  or pang istretch dun sa calves area natin. Para mas maiiwasan mo yung cramps or pulikat during night time.

Actually ito yung isa sa mga reason ng mga buntis kung bakit sila nagigising sa gabi kasi nakakaramdam sila na pinupulikat sila and you need to lesson the water intake two to three hours before kang matulog para syempre hindi ka bangon ng bangon para umihi and another tip po bago ka matulog bago mo ipikit yung mata mo umihi ka muna mommy.

Another tip is magkaroon kayo ng sleep conducive environment. So ano ibig sabihin nun. Kailangan yung environment mo yung tinutulugan mo nakakaantok siyang tignan. For example madilim yung kwarto mo dim light malamig masarap tulugan yung kama, yun yung mga example ng sleep conducive environment

Yung parang aantukin ka talaga kapag humiga ka na sa kama pwede ka rin magkaroon ng nap time during morning.

Pero again lagi nilang sinasuggest easy sleep on your left side basta wag lang flat out bed talaga.

And lastly magkaroon ng relaxing night time routine. So bago ka matulog yun yung mga gagawin mo para matrigger yung body mo na kailangan munang matulog.

Example of that is warm bath bago ka matulog.

Another one is massage. Magkaroon kayo ng relaxing music pampaantok. Pwede rin ang mga deep breathing exercise, nakakarelax din talaga yun at mga pregnancy yoga.

So yun yung mga relaxing sleeping routine na masasuggest sa inyo.

Conclusion

Ngayon mommy kung sakaling gusto mo talaga at desidido ka talaga na matulog on your left pero nagwoworry ka baka malikot ka matulog o kaya dahil nga tulog ka you are unaware na namemaintain mo pa ba yung left side position na yan.

If thats just the case, talk to your husband. Kausapin mo siya na icheck ka maya maya para lang ma sure na nakahiga ka on your left side. Ngayon mommy ito additional information lang, according sa mga expert and according sa research yung first position mo daw bago ka matulog is the longer position bago ka ulit magpalit.

Try mong simulan baka makasanayan mo din and maging komportable ka.

Iba pang mga Babasahin

Paano malaman na buntis sa unang linggo ng walang Pregnancy Test?

Tamang pag-inom ng Antibiotic sa Sanggol – Mga signs na kailangan na ito ni Baby

Gamot sa Lagnat ng Sanggol: Mga gagawin para bumaba ang lagnat ng baby

Paano mawala ang Sipon ng Newborn Baby : Ano ang pinakamainam Gawin?

2 thoughts on “Tamang position ng pagtulog ng Buntis na safe sa Sanggol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *