Kailangang malaman kung ano ang bawal na pagkain sa nagtatae na bata dahil ang tamang nutrisyon at pagkain ay kritikal sa mabilis at ligtas na paggaling ng bata. Ang pagkain ng mali, tulad ng mga matamis, oily, at dairy products, ay maaaring magpalala ng sintomas at magdulot ng mas matinding dehydration at nutrient imbalance. Sa pagtatae, ang katawan ng bata ay naglalabas ng maraming likido at electrolytes, at ang pagbibigay ng mga bawal na pagkain ay maaaring magpahina pa ng resistensya at magpahaba sa panahon ng sakit.
Sa halip, dapat bigyan ng tamang pagkain tulad ng ORS, plain crackers, at malalambot na gulay upang makatulong sa pagtigil ng pagtatae at sa pagbalik ng normal na kalusugan ng bituka.
Ano ang mga pagkain na pwede sa batang nagtatae
ORS (Oral Rehydration Solution) – Ito ang pinaka-kailangan niya.
Plain Vanilla Ice Cream – In small amounts, pwede ito. Nakakaalis pa ito ng pagsusuka sa ibang mas malalaking bata (toddlers or school age).
Biscuits -Mga dry, walang kasamang nuts o seeds, tulad ng salted crackers, pwede.
Leafy Vegetables – Kung mild lang ang pagtatae at mas malalaking bata, pwedeng malambot na luto kasama sa soups.
Saging at Mansanas – Pampatigas ng pupu, pwedeng imashed o icrush para sa batang 6 months pataas na kumakain na ng solid food.
Vitamins – Zinc vitamins ay rekomendado para sa mga batang nagtatae.
Probiotic Drinks – Pwede sa mas malalaking bata pero iwasan sa sanggol below 6 months.
Cooked Chicken Breast – Pwede para sa batang above 6 months na walang allergy.
Ano ang mga pagkain bawal para sa batang nagtatae
Ice Cream with Chocolate or Nuts, Sherbet – Iwasan dahil mas nakakadagdag sa pagtatae.
Chocolates, Candies – High in sugar, mas nakakadagdag sa pagtatae.
Biscuits na may Sesame Seeds or Nuts – Iwasan.
Liffy Vegetables for Babies Below 6 Months – Iwasan.
Gatorade, Sports Drinks – Mataas sa sugar content, hindi ideal para sa mga sanggol na nagtatae.
Mangga (Ripe or Green) – Iwasan habang nagtatae.
Fruit Shakes – Depende sa prutas at allergy ng bata.
Herbal Treatments – Hindi nirerekomenda para sa mga bata.
Fried Food, Fast Food – Ayaw natin ng masyadong oily food.
Cheese, Butter, Mayonnaise – Limitahan o iwasan.
Chocolate Drink, Juice in Tetra Pack, Powder Juices – Hindi maganda para sa batang nagtatae.
Milk Tea – Iwasan.
Kamote, Gab – Pwede pero depende sa edad ng bata.
Honey – Pwede para sa one year pataas.
Dahon ng Bayabas – Hindi nirerekomenda.
Hilaw na Gulay, Corn, Berries – Iwasan.
Softdrinks, Iced Tea, Coffee – Hindi maganda para sa batang nagtatae.
Artificial Sweetener, Coconut Water – Hindi ideal.
Ano ang dahilan bakit may bawal at may pwede
Ang pagtatae ay maaaring dulot ng hindi natunawan, may nakain na madumi, o may infection sa bituka. Ang katawan ng bata ay may defense mechanism na nagta-try ilabas ang mga hindi dapat na andoon sa tiyan niya. Kailangan alam niyo kung ano ang makakatulong sa tiyan niya para mailabas ang mga maduduming bagay na iyon at kung ano ang hindi makakatulong para hindi lumala ang pagtatae niya.
Iba pang mga babasahin
Ano ang dapat gawin kapag constipated si Baby
Bakuna na COVID 19 VACCINE sa pregnancy and breastfeeding Mom
One thought on “Mga bawal na pagkain sa nagtatae na bata”